Testigo sa kasong murder, itinumba

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 55-anyos na pangunahing testigo sa kasong murder matapos itong ratratin sa mukha ay pinutulan pa ng  dalawang kamay saka isinako at itinapon sa bahagi ng Barangay Namambalan Sur, Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa.? Kinilala ni P/Supt. Jessie Tamayao ang biktima na si Angel Lana, nakatira sa bayan ng Piat, Cagayan at caretaker sa sakahan na pag-aari ni Rolando Pagulayan.? Base sa police report, huling nakitang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa mga barangay tanod sa nabanggit na barangay noong Linggo (Nob.9) bago ito nawala. Napag-alamang inabandona ang duguang katawan ng biktima sa binabantayan nitong sakahan sa nasabing lugar  habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments