PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Philippines – Anim na opisyal ng lokal na opisyal ng Puerto Princesa City, Palawan ang kinasuhan ng graft and corruption sa Office ng Ombudsman kahapon.
Base sa anim na pahinang reklamo na may petsang Nobyembre 12, 2014 nina Mansueto D. Fuentes ng Golden Valley, Barangay Sicsican; Lane Y. Godoy at Bayani M. David pawang residente ng Barangay Sta. Monica, inakusahan ng corruption sina Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron, P/Supt. Thomas Frias Jr., hepe ng Puerto Princesa City PNP; P/Chief Insp. Ariel Carlit Celino, Hydhe S. Dizon, close-in personal staff ni Bayron, hepe ng General Services Office; at si Kagawad Warren Salido ng Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa City.
Hiniling din ng complainants na isailalim sa preventive suspensiyon ang mga akusado dahil matibay ang mga ebidensya kaugnay sa mga kasong gross misconduct, grave abuse of authority, at prejudicial ot public interests na may kaparusahang pagkatanggal sa trabaho, pagkumpiska ng illegal na yaman, at diskwalipikasyon sa paghawak ng pampublikong tanggapan.
Kabilang sa mga reklamong inihain laban kay Bayron ay ang sinasabing illegal na paggamit ng pondo na P4 milyong kaugnay sa pagbili ng mansiyon sa Allamanda Street, Camella Homes Subd. sa Barangay Sta. Lourdes ng nasabing lungsod.
Si Dizon naman ay inakusahan din ng graft dahil sa sinasabing pagpapagawa ng dalawang palapag ng bahay sa Employees Village sa Barangay Sta. Monica na disproportionate sa kanyang sweldo na P46,000 kada buwan bilang executive assistant IV ni Bayron.
Noong 2013, si Bayron ay kinasuhan din sa Office of the Ombudsman, kaugnay sa sinasabing pagkakasangkot nito sa illegal cash advances na P10 milyon, P7,712.00 para sa Student Assistant Program (SAP) at P3 milyong allowances ng mga Senior Citizens.
Kasamang kinasuhan sina City Vice Mayor Luis Marcaida III, City Administrator Rodrigo Saucelo, City Budget Officer Regina Cantillo at si Merilyn Quintero.
Hiniling din na isama sa imbestigasyon si dating Chairman Absalom Umpad ng Barangay Bagong Sikat na pinaniniwalaang political dummy ni Mayor Bayron.
Kasalukuyan naman hindi makontak ang mga akusado para magbigay ng kanilang panig kaugnay sa mga kasong isinampa laban sa kanila.