1 patay, 1 sugatan sa trak vs van sa La Union

MANILA, Philippines – Isa ang patay matapos ang banggan ng 10-wheeler truck at van sa La Union kaninag Miyerkules ng madaling araw.

Nakilala ang nasawing biktima na si Eulogio Antonio Jr., 54, disribution manager ng Angeles Electric Corporation sa Angeles, Pampanga, habang sugatan naman ang engineer na si Alvin Garcia.

Ayon sa ulat, nag-overtake ang van na minamaneho ni Rizaldo Sampaga sa isang bus sa northbound ng national highway na sakop ng Barangay San Eugenio, Aringay, La Union bandang 2:30 ng umaga.

Paglampas ng van sa bus ay nakasalubong nito ang trak na minamaneho ni Ronnie Jose Gavayan kaya nagsalpukan ang mga ito.

Kaagad isinugod ang mga pasahero sa Agoo District Hospital, ngunit bigo ang mga doktor na maisalba ang buhay ni Antonio.

Show comments