Obrero kisay sa kuryente

QUEZON, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 32-anyos na construction worker matapos itong makur­yente habang nangingisda sa ilog ng Quiapo sa Barangay Malabanban Norte, bayan ng Candelaria,  Quezon kamakalawa ng hapon. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Art Brual Jr. hepe ng Candelaria PNP, lumitaw na nangi­ngisda sa naturang ilog ang biktimang si Eddie Rocamora  gamit ang electrical device na nakalagay sa  kahong kahoy at nakasabit sa kanyang likuran nang madulas ito sa naapakang bato. Nagtuluy-tuloy na bumagsak sa tubig ng ilog ang biktima kaya nakuryente  at nagkikisay. Kaagad na dinala sa Peter Paul Hospital ang biktima subalit namatay din.

 

Show comments