^

Probinsiya

P.4M shabu at marijuana sinunog ng PDEA

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines – Umaabot sa P.4 mil­yon ang kabuuang  halaga ng marijuana at shabu ang sinunog  na sinaksihan ng PDEA Bicol,  PNP, Fiscal, Municipal at Barangay officials  na isinagawa sa likurang bahagi ng Munisipyo sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa.

Ayon sa tagapagsalita ng PDEA Bicol na si Cotton Yuson, ang mga nasabing sinunog na ipinagbabawal na droga ay bahagi ng kanilang kampanya upang tuluyan nang masugpo ang mga iligal na droga sa Kabikulan.

Nabatid na umaabot sa 100 gramo ng Marijuana habang 55 gramo naman ng shabu ang sinunog matapos na ito ay maging bahagi ng ebidensya sa korte na nga­yon ay tapos na ang mga kaso simula noon taong 1991.

Sinabi pa ng PDEA na dalawang bayan sa Camarines Norte  ang sinasabing Drug free na kinabibilanagan ng bayan ng San Vicente at San Lorenzo Ruiz.

Ayon sa ilang mapagkakatiwalaang impormante ng PSNGAYON  na karamihan diumano sa mga drug users na gumagamit ng shabu ay ilan sa mga minero sa bayan ng Jose Panganiban, Labo at Paracale upang tumagal sa ilalim ng lupa  sa kanilang pagmimina gamit ang compressor. 

AYON

BICOL

CAMARINES NORTE

COTTON YUSON

DAET

JOSE PANGANIBAN

SAN LORENZO RUIZ

SAN VICENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with