CAMARINES NORTE, Philippines – Kalaboso ang anim na kalalakihan makaraang arestuhin ng mga awtoridad dahil sa illegal mining sa bahagi ng Mt. Isarog sa Sitio Cadapdapan, Barangay Tinangis, bayan ng Pili, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Inaresto ng mga tauhan ng Forest Protection Office ng Protected Area Mount Isarog Natural Park ang mga suspek na sina Cesar Ruz, 52, ng Lucena City, Quezon; Angel Hemor, 45, ng Barangay Commonwealth, Quezon City; Fidel Morandarte, 64, ng Barangay Tinangis, Pili, Camarines Sur; Marcial Sornillo, 64, ng Naga City; Agapito Cortez, 43, ng Calamba City, Laguna; at si Noe Bogoc, 37, ng Barangay Balatas, Naga City. Nasamsam sa mga suspek ang ilang metrong haba ng lubid, kable, battery pack, hard hats, air gun, at digging paraphernalias.