Barangay chairman, nilikida

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napaslang ang 66-anyos na barangay chairman matapos pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa balkonahe ng kanyang bahay sa Barangay Binanuanan Grande, bayan ng Calabanga, Camarines Sur kahapon ng umaga. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Chairman Simeon Mendoza, negosyante at nakatira sa nasabing barangay. Hindi naman idinamay ang misis ng biktima at ilang residente. Tinangay ang malaking halaga ng biktima at cellphone saka tumakas ang gunmen sakay ng motorsiklo. Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa negosyo ng biktima ang pamamaslang.

Show comments