12 kalaboso sa 10-motorsiklong nakaw

CAVITE, Philippines – Tinatayang aabot sa 12-katao kabilang ang lider ng karnaper  ang nasakote makaraang makumpiskahan ng 10 motorsiklong nakaw sa inilatag na malawakang operasyon ng pulisya sa Green Valley Subd., mga Barangay Molino 2 at 3, Bacoor, City, Cavite, kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng mga tauhan ni P/Senior Supt. Joselito Teodoro Esquivel Jr., Cavite PNP director ang mga suspek na sina Arlan “Payak” Gahisan, Fernando “Boyet” Honorario, Rhubby Vales, Vicenta Mebrano, Rowena Gahisan, Mary Ann Madarang, Mark Anthony Magsayo, Elizalde Luna, Edwin Cutamora, Victor Eladia, Christopher Ariola, at si Jose Mari Argonza, pawang nakatira sa nasabing barangay. Narekober sa mga bahay ng 12-suspek  ang 10 motorsiklo na sinasa­bing ninakaw mula sa mga lungsod ng Imus, Dasmariñas, Rosario, at sa Las Piñas City, 3 baril,  iba’t ibang uri ng bala ng baril, at di-nabatid na gramo ng shabu.

 

Show comments