Misis kumalas sa mister, dinedo

NUEVA ECIJA, Philippines – Napatay ang 41-anyos na misis matapos itong saksakin ng kanyang mister dahil sa ma­tinding selos kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Joson, bayan ng Carranglan, Nueva Ecija. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Lisa Anudan ng Sitio Loy-Loy sa nasabing barangay habang nasakote naman ang suspek na si Ernesto Dalit ng Barangay Rangayan sa bayan ng Roxas, Isabela. Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na nakipaghiwalay ang biktima sa kanyang mister kaya kinompronta siya sa gitna ng kalsada. Gayon pa man, nauwi sa pananaksak ang matinding komprontasyon ng mag-asawa dahil sa tumangging makipagbalikan ang babae. Kaagad na tumakas ang suspek subalit sa follow-up operation ng pangkat ni P/Senior Insp. Alexander Reyes ay nasakote ang suspek sa Barangay Puncan.

 

Show comments