ALBAY, Philippines - Dalawang sundalo ng Phil. Army ang napatay makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kahapon ng umaga sa Purok 5, Barangay Anislag sa bayan ng Daraga, Albay kahapon ng umaga. Kinilala ang dalawa na sina Private First Class Dario Manaois at Private First Class Jerome Sambrona, kapwa nakatalaga sa Charlie Coy ng 2nd Infantry Battalion ng Phil. Army na nakabase sa Barangay Maopi sa nasabing bayan. Sa police report na isinumite kay P/Supt. Joel Adan, hepe ng Daraga PNP, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa patungong palengke sa Barangay Poblacion nang tambangan ng mga rebelde bandang alas-7:30 ng umaga.