Hipag dinedo ng bayaw

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napaslang ang 54-anyos na biyuda habang kritikal naman ang anak na dalaga makaraang pagsasaksakin ng kanyang bayaw dahil sa matinding selos kamakalawa ng gabi sa Barangay Lullutan, Ilagan City, Isabela.  Kinilala ang napatay na si Elma Vargas habang ginagamot naman sa Gov. Faustino Dy Sr. Memorial Hospital ang anak na si Myrene Vargas, 22, estudyante at kapwa nakatira sa nasabing barangay. ?  Sa police report na nakarating kay P/Supt. Vicente Valdez, hepe ng Ilagan City PNP, sinugod ng suspek na si Dimas Vargas ang mag-ina sa loob ng bahay kung saan magkakasunod na pinagsasaksak saka tumakas sa hindi nabatid na direksyon. Sa impormasyong nakalap ni Valdez, nag-ugat ang alitan ng mag-hipag kaugnay sa mga ipinapadalang pera at gamit ng ina ng suspek mula sa Canada kung saan ay malimit nakatatanggap ang biktima.

 

Show comments