Drayber itinumba ng kabaro

QUEZON, Philippines - Pinaniniwalaang inggitan sa pagrerelyebo sa pinapasadang pampasaherong jeepney ang isa sa motibo kaya binaril at napatay ang 29-anyos na tsuper ng kapwa nito tsuper sa terminal sa Barangay Bagong Anyo, bayan ng Dolores, Quezon kamakalawa ng gabi. Napuruhan ng bala ng cal. 9mm pistol sa ulo ang biktimang si Dennis Deliso ng Barangay Pinagdanlayan habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Percival Bombane, 45, may-asawa, ng Barangay Sta. Lucia. Bandang alas-9 ng gabi nang komprontahin ng suspek ang biktima sa terminal ng mga pampasaherong jeepney. Gayon pa man, isang putok ng baril ang umalingawngaw kung saan bumulagta ang biktima. Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng San Pablo City, Laguna.

 

Show comments