Misis isinangkot sa pagpatay sa mister, tiklo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng 40-anyos na biyuda matapos itong arestuhin ng pulisya dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay sa kanyang mister  na negosyante sa bayan ng Allacapan, Cagayan kamakalawa. ?Pormal na kinasuhan ni P/Senior Insp. Joefferson Gannaban ang suspek na si Trinidad Torricer na sinasabing isinangkot ng kanyang lover na si Ricardo Ignacio sa planong pagpatay sa mister nitong si Jomelito Torricer sa pag-aaring farm sa bayan ng Flora, Apayao noong July 12, 2014.? Si Ignacio na sinasabing lover ng biyuda ay unang inaresto at kinasuhan ng murder kasama ang isa pang suspek na si Mateo Sumisim.? Bagama’t itinanggi ng biyuda ang akusasyon ipinalabas ni Judge Quirino Andaya ng Luna Regional Trial Court ang warrant of arrest sa kasong Parricide na walang kaukulang piyansa.

Show comments