MANILA, Philippines - Umaabot sa P94.6 milyon financial aid ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron ang kinuwestyon ng mga residente na sinasabing ginastos sa hindi malinaw at hindi naipaliwanag sa publiko.
Sa pahayag ni Movement Against Graft and Abuse of Power spokesman Jonas Siniena, ang huge expenditures and disbursements mula sa pondo ng bayan ay dapat ginastos sa serbisyong publiko at ang anumang masamang intensyon sa uri ng paggastos ay maituturing na corrupt act.
Sa ulat na ibinigay sa MAGAP, sinasabing humingi si Mayor Bayron ng kabuuang P51,125647.79 cash advances para sa 2014 habang P43,492,100 naman noong 2013 na ipinagkatiwala sa mga lokal na opsiyal ng nasabing lungsod.
Idinagdag pa ni Siniel na ang cash advance ay dapat tumalima sa appropriation ng Sangguniang-Panglungsod na hinihingi ng batas at dapat manatiling bukas si Mayor Bayron.
Dapat ipilit ng mga taxpayers ng Puerto Princesa City na hilingin kay Mayor Bayron ng Sangguniang Panglungsod City Council na ilantad sa publiko ang ginastos sa financial assistance buwan-buwan ng bawat taon.