^

Probinsiya

P94.6-M financial aid sa Puerto Princesa, kinuwestyon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa P94.6 milyon financial aid ni Puerto Prin­cesa City Mayor Lucilo Bayron ang kinuwestyon ng mga residente na sinasabing ginastos sa hindi malinaw at hindi naipaliwanag sa publiko.

Sa pahayag ni Movement Against Graft and Abuse of Power spokesman Jonas Siniena, ang huge  expenditures  and disbursements mula  sa pondo ng bayan ay dapat ginastos sa serbisyong publiko at ang anumang masamang intensyon sa uri ng paggastos ay maituturing na corrupt  act.

Sa ulat na ibinigay sa MAGAP, sinasabing humingi si Mayor Bayron ng kabuuang P51,125647.79 cash advances para sa 2014 habang P43,492,100 naman noong 2013 na ipinagkatiwala sa mga lokal na opsiyal ng nasabing lungsod.

Idinagdag pa ni Siniel na ang cash advance ay dapat tumalima sa appropriation ng Sangguniang-Panglungsod na hinihingi ng batas at dapat manatiling bukas si  Mayor  Bayron.

Dapat ipilit ng mga taxpayers ng Puerto Princesa City na hilingin kay Mayor Bayron ng Sangguniang Panglungsod City Council na ilantad sa publiko ang ginastos sa financial  assistance buwan-buwan ng bawat  taon.

 

BAYRON

CITY MAYOR LUCILO BAYRON

DAPAT

JONAS SINIENA

MAYOR BAYRON

MOVEMENT AGAINST GRAFT AND ABUSE OF POWER

PUERTO PRIN

PUERTO PRINCESA CITY

SANGGUNIANG PANGLUNGSOD CITY COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with