MANILA, Philippines – Humingi ng saklolo ngayong Miyerkules ang misis ng hepe ng Davao police sa Department of Justice laban sa kanyang asawa na umano'y nambubugbog.
Kasamang nagtungo ni Susie Danao si Gabriela partylist Rep. Luz Ilagan sa DOJ main office sa Maynila upang maghain ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004 laban sa asawang si Senior Superintendent Vicente Danao.
Nakasaad sa reklamo ni Susie na mula noong 2003 hanggang 2013 ay nakaranas sila ng verbal at physical abuse sa hepe ng Davao police.
Nauna nang naghain ng kaso ang misis ng hepe sa Philippine National Police Regional Internal Affairs Service.