^

Probinsiya

ASG sub-leader, arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bumagsak sa mga operatiba ng pulisya ang notoryus na sub-leader ng mga bandidong Abu Sayyaf Group na sangkot sa Lamitan siege noong 2001 sa isinagawang operasyon sa  Barangay Tandung Ahas sa Lamitan City, Basilan  kahapon ng madaling araw.

Nahaharap  sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa Isabela City Regional Trial Court ang suspek na si Nasser Usman na tumatayong sub-leader ng Islamic Propagation and Indoctrination sa nabanggit na barangay.

Nabatid na ang suspek ay sangkot din sa 1995 Ipil siege sa Zamboanga Sibugay kung saan nagpanggap na militar ang mga bandido sa pagsalakay at panu­nunog sa nasabing bayan. Sa nasabing Ipil siege ay 53-katao ang napatay, 30-katao ang hinostage habang nilooban din ang mga bangko at mga establisyemento.

Sangkot din ang grupo ni Nasser sa kidnapping noong 2000 kung saan aabot sa 50 guro at mga estudyante ng dalawang eskuwelahan sa Brgy. Tumahubong, Sumisip, Basilan ang binihag ng mga bandido.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

BARANGAY TANDUNG AHAS

BASILAN

ISABELA CITY REGIONAL TRIAL COURT

ISLAMIC PROPAGATION AND INDOCTRINATION

LAMITAN CITY

NASSER USMAN

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with