Di-nakabayad ng utang, itinumba

CAVITE, Philippines – Pinabulagta ang 36-anyos na mananahi na sinasabing hindi makabayad ng malaking halaga ng utang makaraang barilin ng di-kilalang lalaki habang sakay ng traysikel sa Barangay Paliparan I, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Helman Abordo ng Phase 4, Mabuhay Homes 2000 sa Barangay Paliparan II sa nasabing lungsod. Huling namataang buhay ang biktima na nakikipagkuwentuhan sa kanyang kaibigang trike driver kaugnay sa pagkakautang ng malaking halaga sa mga spare parts ng motorsiklo. Napag-alamang sinisingil ang biktima sa kanyang pagkakautang subalit walang maibayad sa hindi kilalang may-ari ng tindahan ng motorsiklo.

 

Show comments