Jail guard, preso utas sa mag-utol

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang isang jail guard at preso makaraang pagtatagain at barilin ng mag-utol na presong pumuga sa Apayao Provincial Jail sa bayan ng Sta. Marcela noong Huwebes.?

Sa ult ni P/Senior Supt. Robert Gallardo, Apayao PNP director, mapanganib ang puganteng mag-utol na sina Marcelino Dagdagan at Felix Dagdagan na may kasong murder na nagawa sa kanilang bayan sa Flora noong 2013.?

Nabatid na pinagtataga hanggang mapatay ng magkapatid na suspek ang mga biktimang sina Jail Officer 1 Damaso Patan Peru Jr. at Huebert Fuertes sa loob ng selda.?

Hindi pa nakontento ay pinagbabaril pa ng isa sa suspek ang mga biktima matapos agawin ang shotgun kay JO1 Peru.

Pinagpapaliwanag naman ni Governor Elias Bulut Jr. ang provincial warden na si Reynaldo Romero kung paano napasakamay ng mga pugante ang ginamit na itak at shotgun kaya naganap ang pamamaslang at jailbreak.

Show comments