Naningil ng pautang, binoga

BULACAN, Philippines – Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang 40-anyos na negosyanteng naningil ng pautang makaraang paluin at barilin ng dalawang lalaki sa Barangay Loma De Gato, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng madaling araw. Naisugod sa Rogasciano M. Mercado General Hospital sa bayan ng Sta. Maria ang biktimang si Fernando Osias ng Barangay Pantok sa Meycauayan City, Bulacan. Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na sina Allan Peña at Joselito Llorente na kapwa nakatira sa Phase 6, Heritage Homes sa nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ni PO2 Andrew Rivera, tinangkang singilin ng biktima ang mga suspek kaugnay sa malaking halaga ng mga alahas na kanilang inutang subalit pinagtulungang gulpihin at barilin ang negosyante. Gayon pa man, nakahulagpos ang biktima sa pagkakagapos at humingi ng tulong sa mga nagrorondang sekyu.

Show comments