^

Probinsiya

Basketbolista arestado sa baril at droga

Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines – Patung-patong na kaso ang kakaharapin ng isang 35-anyos na basketbolista makaraang makuhanan ng mga ilegal na droga at baril bukod pa sa pagsagasa sa isang pulis na nagsasagawa ng checkpoint sa  Purok 2 Brgy. Pamorangon, Daet, Camarines Norte, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, nabatid na dakong alas -9:30 ng gabi, habang nagsasagawa ng checkpoint ang miyembro ng Daet PNP sa pamumuno ni P/Insp. Bryan Ramirez, isang motorsiklong may temporary plate no. 052408 na minamaneho ng suspek na nakilalang si Ariel “Kino” Quinoñes, na sa halip na huminto lalo pang pinaharurot ang motorsiklo.

Agad naman itong pinatitigil ni PO3 Mario Angelo Rojas subalit binangga ito ng suspek. Kapwa nabuwal sa kalsada sina PO3 Rojas at ang suspek dahilan para  agad na arestuhin ang huli. Nagtamo naman ng sugat at galos si Rojas at agad na nilapatan ng lunas sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang umaabot sa 19 na sachet ng pinaghihinalaang shabu, isang cal. 9mm Taurus, 12 bala at shabu paraphernalias. Napag alaman sa isinagawang imbestigasyon  na ang nasabing baril ay pag-aari ng isang nagngangalang JO2 Henry Maigue na nakatalaga sa BJMP District jail sa bayan ng Labo. 

Ayon kay Maigue, ang kanyang service firearm ay kasama sa ninakaw sa loob ng kanyang bahay sa bayan ng Labo noong buwan ng Hunyo, 2014.

 Maliban sa kasong kakaharapin sa paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition regulation Act), nahaharap din sa kasong direct assault upon agent of person in authority ang suspek. (Francis Elevado)

 

BRYAN RAMIREZ

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE PROVINCIAL HOSPITAL

COMPREHENSIVE FIREARMS AND AMMUNITION

DAET

DRUGS ACT

FRANCIS ELEVADO

HENRY MAIGUE

LABO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with