BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng walong kalalakihan makaraang arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa aktong pot session sa bakanteng bahay sa Barangay Taal, bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Rodel Mansalay, 31; Gregorio Principe, 59; Rene “Boy” Cruz, 31; Jay Meneses, 31; Dennis Principe, 40; Ryan Principe, 33; Jaime Felizardo, 36; at si Manuel Burgos, 33, mga nakatira sa nasabing barangay. Nasamsam sa mga suspek ang ilang gramo ng shabu at mga drug paraphenalias matapos salakayin ng pulisya ang bahay na inupahan ng isang drug pusher na napatay may ilang araw na ang nakalipas.