Motorcycle shop owner itinumba

CAVITE, Philippines — Patay ang isang 41-anyos na motorcycle shop owner nang pagbabarilin sa ulo ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa loob ng establi­simento nito sa Brgy. Salitran III, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Romeo Santos, may-ari ng RCJC Motorshop, residente ng lungsod at Pa­ngulo ng isang Riders Club dito

Ayon kay Chief Insp Jowel Saliva, Deputy Chief ng Police ng Dasmariñas City, dakong alas-9:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng pag-aaring shop ng biktima sa lugar.

Bigla na lamang umanong pumasok ang mga armadong suspek at walang sabi-sabing pinabulagta ang biktima saka tumakas sakay ng motorsiklo.

Narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

 

Show comments