Bus swak sa bangin: 2 patay, 17 sugatan
MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang namatay habang labimpito naman ang nasugatan makaraang mahulog ang pampasaherong bus sa may 10-metrong lalim na bangin sa gilid ng national highway sa Barangay Maragang, bayan ng Tigbao, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang dalawa na sina Baharan Aurea Maulod, officer-in-charge ng National Commission for Indigenious People sa Basilan City; at ang driver ng bus na si Macario Omac, 46.
Ginagamot naman sa Zamboanga del Sur Medical Center ang mga nasugatang sina Rolando Simbahon, 30, konduktor ng bus; retired M/Sgt. Alberto Soria, 64; Engineer George Jocutan, 38; at iba pang pasahero.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, bumabagtas ang Rural Transit Bus Transit in Mindanao, Inc. (JVH 435) sa kahabaan ng highway nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver at sumalpok sa konkretong bahay sa tabi ng highway.
Dito na nagtuluy-tuloy na nahulog ang bus sa 10 metrong lalim na bangin.
- Latest