2 NPA patay sa encounter

MANILA, Philippines – Bumulagta ang dalawang miyembro ng New People’s Army habang dalawa naman ang nasakote matapos makasagupa ang tropa ng militar sa liblib na bahagi ng Barangay Kinangan sa bayan ng Malita, Davao Occidental kamakalawa. Kinilala ang mga napatay na sina Mark “Bryan” Bryle Garduque, anak ng NPA lider na si Manuel “Ka Lucas” Garduque; at isang alyas Ka Daniel. Nasakote naman sina Marilyn “Ka Tonyang” Magpatoc, pamangkin ni Loida “Ka Gwen” Magpatoc, secretary ng NPA movement; at Ritchie “Ka Pedro” Abrenica. Wala naman nasugatan sa panig ng Army’s 73rd Infantry Battalion sa ilalim ng Army’s 1002nd Infantry Brigade na tumagal ng 45-minuto ang bakbakan. Nasamsam sa encounter site ang limang M16 rifles, M653 baby Armalite, M14 rifle at tatlong AK 47 rifles. 

Show comments