NORTH COTABATO, Philippines – Sa hindi inaasahang pagkakataon na sinasabing sanhi ng ‘climate change’ ay umulan ng yelo sa bayan ng Balabagan, Lanao Del Sur kamakalawa ng hapon. Ayon kay Hadji Ibrahim, tumagal nang halos 5-minuto ang pag-ulan ng yelo na sinlaki ng holen na naranasan sa bahagi ng Barangay Poblacion at Barangay Narra sa nasabing bayan. Wala namang nasaktan partikular na sa mga istudyanteng papauwi ng nangyari ang pag-ulan ng yelo. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naranasan ng mga residente ang pag-ulan ng yelo na sinabayan ng malakas na ulan.