^

Probinsiya

Militar vs NPA: 6 bumulagta

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

LAGAWE, Ifugao, Philippines – Anim katao kabilang ang dalawang sundalo ang napatay matapos simiklab ang madugong bakbakan sa pagitan ng mga sundalo ng Phil. Army at rebeldeng New People’s Army sa liblib na bahagi ng Barangay Camandag sa bayan ng Asipulo, Ifugao kamakalawa ng umaga.

Dalawa sa panig ng militar ang napatay na sina Pfc. James En-lae ng Mountain Province at Pfc. Anthony Padtu ng Paniki, Tarlac, kapwa nakatalaga sa Bayanihan Squad ng 54th Infantry Batallion na nakabase sa bayan ng Gamu, Isabela.

Samantala, isa sa apat na rebeldeng napatay ay nakilalang si Joel Bongtiwon ng Sitio Hikot sa Barangay Kamandag habang hindi naman matukoy ang bilang ng mga nasugatang rebelde na agad itinakas ng kanilang kasamahan.

Sugatan naman sina 1Lt. Roland Carinan, Pfc. John Ryl Discaya; Pfc. Raphy Anongos, mga nakatira sa Mt. Province.

Bandang alas-7 ng umaga nang sumiklab ang bakbakan ng militar at rebelde sa bahagi ng Sitio Landing malapit sa hangganan ng Ambaguio, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Lt. Col Eddie M. Pilapil, commander ng 54th Infantry Battalion, ang mga nasugatan at napatay na sundalo ay kabilang sa bayanihan squad na tumutulong sa pagsasagawa sa kalsada sa nasabing lugar nang makasagupa ang mga rebelde.

vuukle comment

ANTHONY PADTU

BARANGAY CAMANDAG

BARANGAY KAMANDAG

BAYANIHAN SQUAD

COL EDDIE M

INFANTRY BATALLION

INFANTRY BATTALION

JAMES EN

JOEL BONGTIWON

JOHN RYL DISCAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with