Shootout: 2 motorbike thieves bulagta

Kapwa bumulagta ang dalawang motorcycle thieves matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Brgy. Bulihan, Malolos City, Bulacan kahapon. Kuha ni BOY CRUZ

BULACAN, Philippines - Dalawang notoryus na motorbike thieves ang napatay matapos na makipagpalitan sa mga operatiba ng pulisya sa Barangay Bulihan, Malolos City, Bulacan kahapon ng hapon.

Kinilala ang dalawa sa pamamagitan ng mga narekober na identification cards na sina PO3 Augusto Ete ng Sorsogon PNP, Barangay San Roque, Bulan, Sorsogon; at Lordio Bacolangan ng Tondo, Manila.

Base sa police report na isinumite kay P/Supt.Arwin Tadeo, sinikwat nina PO3 Ete at Bacolangan na sakay ang motorsiklo (3028-XP) ni Paterno Santos pagsapit sa kahabaan ng Blas Ople Road sa nabanggit na barangay.

Kaagad namang ipinagbigay-alam sa himpilan ng pulisya ang insidente kung saan namataan naman ang dalawa sa bahagi ng Alido Heights Subd.

Dito na nagkahabulan kung saan nauwi sa bakbakan hanggang sa  kapwa bumulagta ang dalawa na nakipagbarilan sa mga pulis.  

Narekober ang dalawang cal. 38 revolver, mga bala, iba’t ibang I.D. card at ang dalawang motorsiklo.

 

Show comments