Checker na-suffocate sa manhole, utas

MANILA, Philippines – Patay ang isang 24-anyos na checker makaraang aksidenteng ma-suffocate sa loob ng manhole ng isang nakadaong na barko sa pier ng Brgy. Bulacan, Mabini, Batangas, kamakalawa.

Sa ulat ng Batangas Police, kinilala ang na­sawing biktima na si Marlon Macayan, 24-anyos, checker sa  Webb Fontaine na idineklarang dead-on-arrival sa Mabini General Hospital.

Bandang alas-9:30 ng gabi nang ireport sa pulisya ni Antolin Vega Jr., 28-anyos, surveyor ng Webb Fontaine, residente naman ng Meycauyan, Bulacan ang insidente.

Sa salaysay ni Vega, dakong ala-1:40 ng hapon nang ma-suffocate ang biktima sa loob ng manhole ng barkong M/V Florinda 1 na nakadaong sa pier ng nasabing lugar.

Nabatid na ang biktima ay inutusang pumasok sa manhole ng hold number 3 ng barko para kumuha ng sample ng kargamento nitong mais pero na-suffocate ang biktima matapos na makalanghap ng phospine gas bunsod upang mahilo ito at himatayin.

Show comments