^

Probinsiya

Misis natakot sa dengue, nag-suicide

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil umano sa ma­tinding takot sa naka­ma­matay na sakit na dengue­, isang 31-anyos na misis ang nag-suicide ma­tapos magbigti sa puno ng kawayan sa Brgy. Balintawak, Escalante City, Negros Occidental kamakalawa.

Lawit ang dila at nangi­ngitim ang mukha nang madiskubre ang pagpapakamatay ng biktimang si Louena Panagini, residente sa nasabing lugar.

Sa ulat ng Escalante City Police, dakong alas-5 ng umaga nang matuklasan ang nakabigting bangkay ng biktima na nakatali ng sweat-shirt sa leeg sa puno ng kawayan.

Ayon sa pahayag ng kapatid ng biktima na si Bebeth Mahusay, bago ang insidente ay sinabi ng ginang­ na nata­takot siya dahi­l naghihinala umano itong dengue ang kanyang sakit matapos ang ilang araw na lagnat at pamamantal ng katawan.

Gayunman, nang magpa-check-up umano ang nasabing misis sa doktor ay sinabing may allergy ang ginang bagay na hindi nito pinaniwalaan at iginiit na dengue ang kanyang sakit  kung saan nagkulong na ito sa kanyang silid.

Isang suicide note rin ang narekober ng mga awtoridad sa tabi ng bangkay ng biktima na nagsasaad ng pamamaalam at pagsasabing winakasan niya ang kanyang buhay dahil baka umano mahawa pa ang kanyang pamilya sa sakit na dengue.

AYON

BALINTAWAK

BEBETH MAHUSAY

BRGY

ESCALANTE CITY

ESCALANTE CITY POLICE

LOUENA PANAGINI

NEGROS OCCIDENTAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with