Ahente ng palay, nilikida

NUEVA ECIJA, Philippines – Tinambangan at napatay ang 43-anyos na ahente ng palay ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng Sto. Domingo-Sicsican Road sa Barangay San Fabian, bayan ng Sto. Domingo, Nueva Ecija, kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Archie Laus ng Purok 3, Barangay Malasin sa nasabing bayan. Tinangay ng tandem ang itim na bag na naglalaman ng P.5 milyon saka tumakas patungo sa direksyon ng Barangay Sicsican, bayan ng Talavera. Nabatid na patungo sa bayan ng Sto. Domingo ang biktima nang makasalubong si kamatayan.

Show comments