Driver inutas sa sayawan

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napatay ang driver ng habal-habal matapos itong pagbabarilin ng barangay tanod habang nanonood sa sayawan kamakalawa ng gabi sa Sitio Tank Farm, Barangay Puro sa bayan ng Aroroy, Masbate. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Joel Pusing ng Sitio Goldbug sa Barangay Syndicate habang pinaghahanap naman ang suspek na si Barangay Tanod Selverio “Berong” Docot. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, nanonood sa sayawan ang biktima nang lapitan ng suspek na sinasabing lango sa alak. Kinompronta ng suspek ang biktima kaugnay sa pinag-aawayang paradahan ng traysikel hanggang mauwi sa pamamaril.

Show comments