Trak vs 5 sasakyan: 2 patay

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Dalawa katao ang nasawi at 16 pa ang pawang mga nasa malubhang kalagayan matapos na araruhin ng truck ang pampasaherong van, trike, at tatlong motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Sitio Kangao, Brgy. Quitago sa bayan ng Guinobatan, Albay kamakalawa ng hapon. Kinilala ang dalawang namatay na sina Michael Panty ng Brgy. Ilang, bayan ng Jovellar; at Alieza Murillo,10, ng Brgy. Iluluan, bayan ng Camalig. Ginagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang mga sugatan. Sa police report na isinumite kay P/Senior Supt. Marlo Meneses, patungong Guinobatan mula sa bayan ng Camalig ang 10-wheeler truck (TBU-806)  ni Joey Bodino nang mawalan ito ng kontrol sa manibela kaya sinalpok ang sinusundang traysikel, tatlong motorsiklo, at van. 

Show comments