Bangkay hinalay sa nitso

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinaniniwalaang minolestiya ang bangkay ng isang kalili­bing lamang na misis ng di-kilalang lalaki matapos buksan ang kanyang nitso sa sementeryo sa bayan ng Cabagan, Isa­bela noong Lunes.?

Sa pahayag ni SPO4 Roberto Beltran, ipinarating ng kapatid ng yumaong misis na isang araw pa lamang na nailibing ang misis nang madiskubre ang pagkakabakbak ng nitso nito noong Lunes ng umaga.?

Ayon sa kaanak ng yumaong misis na itinago na lamang sa pangalang Remedios 42, wala naman silang ipinabaon na mahahalagang bagay sa kabaong nito gaya ng alahas na pag-iinteresan ng magnanakaw.?

Sa ulat ni SPO4 Beltran, bagama’t matigas na ang mga labi ng ginang ay wala namang palatandaan ng pinsala sa maseselang bahagi ng katawan nito maliban sa walang saplot sa katawan.?

Gayon pa man, ibinalik din ng mga kaanak sa nitso ang bangkay ng ginang kung saan hindi na isinailalim sa imbestigasyon makalipas lamang ang ilang oras dahil nagsisimula na itong maagnas.

Show comments