Remittance center hinoldap

BULACAN, Philippines – Isa na namang remittance center ang hinoldap ng dalawang di-kilalang lalaki sa Barangay San Jose, bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng hapon. Sa imbestigasyon ni PO3 Merwin Mendez, abala sa trabaho ang dalawang kawani ng Luzon Brokerage Corporation (LBC) na sina Richard Santos at Jerrick Caballero nang biglang pumasok ang dalawang armadong di-kilalang lalaki saka nagdeklara ng holdap. Kaagad na nilimas ang P20,000 cash at apat na cellphone saka tumakas ang mga holdaper  sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Cagayan Valley Road. Kasalukuyang sinusuri ng pulisya ang mga footage ng closed-circuit television camera na nakalagay sa nasabing remittance center para makilala ang mga holdaper.

Show comments