Dalagita pinilahan ng 6-senglot

NORTH COTABATO, Philippines – Maagang nawasak ang pagka­babae ng 15-anyos na nene matapos pilahan ng anim na kalalakihang lango sa alak sa bayan ng Midsayap, North Cotabato, ayon sa ulat kahapon. Pansamantalang di-isiniwalat ang pagkakakilanlan ng mga suspek habang pinaghahanap ng pulisya at itinago naman sa pa­ngalang Mercy ang biktima na nakatulala pa rin matapos ang insidente. Base sa police report, naganap ang krimen noong Miyerkules (Oct.1) makaraang yayain ang biktima ng mga suspek na mag-inuman. Dahil kilala naman ng biktima ang mga suspek ay kampante siyang sumama sa mga ito subalit nang malasing ay isinagawa ang maitim na balak. Sa police report na isinumite kay P/Supt. Reynante Delos Santos, kinilala ng biktima ang mga suspek at hinihintay na lamang lumabas ang arrest warrant laban sa mga ito.

Show comments