Apo ni Dolphy arestado sa droga

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Kalaboso ang 32-anyos na apo ni co­medy king Dolphy Quizon kasama ang ka-live-in nito matapos masakote ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa bayan ng Lumban, Laguna noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Florendo Saligao, Laguna PNP director ang mga naares­tong suspek na sina Rocco Quizon at Raquel Alcantara, 32, kapwa residente ng Barangay Palasan sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna.

Ayon sa ulat, naaresto ang magka-live-in matapos bentahan ng shabu ang isang operatiba ng pulisya na nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang siyam na plastic sachets ng shabu, P1,000 marked money, pocket weighing scale, improvised tooter, gunting, at dalawang cellphone.

Sa tala ng pulisya, si Rocco na anak ni Dolphy Quizon Jr. ay naaresto na rin noon sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna dahil na rin sa pagbebenta ng illegal na droga. 

Show comments