2 turistang Swiss itinumba sa beach resort

MANILA, Philippines – Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang dalawang turistang Swiss national matapos itong pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa beach resort sa bayan ng Opol, Misamis Oriental kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Robert Erich Loever, 67; at Baltazar Johann Ernie, 78, kapwa nanunuluyan sa Xavier Estates, Barangay Balulang sa Cagayan de Oro City.

Sa ulat ni P/Senior Insp. Alwin Baclao na isinumite sa Camp Crame, naganap ang krimen malapit sa entrance gate ng D. Yasay Beach Resort.

Sa imbestigasyon, nag­lalakad ang dalawang banyaga kasama ang kanila-kanilang nobya kung saan isa rito ay buntis na kasintahan ni Loever nang harangin at pagbabarilin.

Ipinatawag na ng pulis­ya ang mga kasintahan ng dalawang turista upang makatulong sa pagkaka­kilanlana ng gunmen.

Show comments