Pulis, 2 pa tiklo sa buy-bust

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng isang policewoman at dalawa nitong kasabwat makaraang masakote ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at lokal na pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa bahagi ng Silver Creek Subd. sa Cagayan de Oro City noong Martes (Sept 30). Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina SPO1 Nancy Peralta, 44, dalaga, nakatalaga sa Macabalan PNP station 5, Cagayan de Oro City; Rodel Castillon, 35; at si Arlen Lindongan, 34, mga residente sa Block 12 Lot 38, Silver Creek Subdivision, Barangay Carmen, Cagayan de Oro City. Sa tala ng PDEA, si SPO1 Peralta ay sinasabing miyembro ng Transporter Drug Group na nag-o-operate sa nasabing lungsod. Nasamsam ng mga tauhan ni  PDEA Regional Director Emerson Margate ang 15 plastic sachets ng shabu (15 gramo) at ilang drug paraphernalia.

Show comments