3 kilabot na tulak ng droga utas sa Zambales raid
MANILA, Philippines – Patay ang tatlong kilabot na tulak ng ilegal na droga, habang dalawa ang nasakote sa isang raid na ginawa ng mga awtoridad sa isang safe house sa Zambales.
Nakilala ang isa sa mga nasawing si Jun-Jun Jackaria, habang hindi pa malaman ang pagkakakilanlan ng dalawang kasama.
Nasakote naman sina Jessica Taralus, 41;at Abdul Abdurasid kapwa residente ng Brgy 6-B, Brgy.Calapacuan, Zambales.
Ayon sa ulat, sinugod ng mga tahan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang lungga ng mga suspek nitong Setyembre 30.
Bilang depensa ay kaagad naghagis ng granada ang tropa ni Jackaria kaya naman napilitan ang mga pulis na magpaputok.
Kilalang drug delears sina Taralus at Abdurasid sa lalawigan ng Zambales at kapwa sila naahaharap sa patung-patong na kaso.
Nabawi mula sa mga suspek ang 14 pakete ng shabu, iba't ibang drug paraphernalia, kalibre .45 pistol, .22 pistol, kalibre .38 relover, air rifle at magkakaibang mga bala.
- Latest