Kundoktor patay, 6 sugatan sa NLEX karambola

File Photo

MANILA, Philippines – Hindi umabot ng buhay sa ospital ang isang kundoktor ng pampasaherong bus matapos banggain ng isa pang bus sa kahabaan ng North Luzon Expressway na sakop ng lalawigan ng Pampanga ngayong Biyernes.

Nakilala ang biktima na si Quelvin Pugal, 40, kundoktor ng Dominion bus, na nasawi habang isinusugod sa ospital.

Anim na katao pa ang nasaktan na pawang mga pasahero ng Dominion at ng Victory Liner Bus.

Taliwas sa naunang ulat, humaharurot ang Dominion bus na minamaneho ni Hanserick Pamitan nang bigla itong pumihit pakaliwa dahil upang banggain ang likuran ang bus ng Victory Liner kaninang alas-4 ng umaga.

Tinamaan din ang isang trak na may kargang mga manok na minamaneho naman ng isang Loreto Atto.

Pinaghahahanap ngayon ng mga pulis si Pamitan na kaagad tumakas matapos ang aksidente.

Show comments