5 sasakyan nagkarambola sa NLEX

MANILA, Philippines - Matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko ang naranasan sa North Luzon Expressway matapos magkarambola ang limang sasakyan ngayong Biyernes.

Ayon sa isang ulat sa radyo, dalawang bus, dalawang truck at isang pickup truck ang nagbanggaan sa southbound ng NLEX na sakop ng lalawigan ng Pampanga bandang alas-5 ng umaga.

Binangga umano ng isang bus ng Victory Liner ang likuran ng trak na may kargang mga manok dahilan upang bumaligtad ito.

Natamaan din ng bus ang isang pang bus naman ng Dominion Liner.

Hindi pa matukoy kung ilan ang nasugatan, habang nagdulot ng apat na kilometrong pagsikip sa daloy ng trapiko ang insidente.

Show comments