LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Pinaniniwalaang may matinding problema sa pamilya kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 20-anyos na college student matapos itong magbigti sa campus ng kanyang school sa Barangay Cabitan, bayan ng Mandaon, Masbate kahapon ng umaga. Bandang alas-5 ng umaga nang matagpuang nakabitin sa shed house ng Dr. Emilio B. Espinosa Sr. Memorial State College of Agriculture and Technology ang biktimang si Catalino Canete Monterde Jr., 3rd year college at nakatira sa Barangay Daraga, bayan ng Placer, Masbate. Sa ulat ng pulisya, huling namataang buhay ang biktima na matamlay at walang kibo sa kanyang mga kaklase kung saan hindi naman inakala ng mga kaibigan na magpapakamatay ito.