Lolang nawawala nakitang patay sa paanan ng Mayon Volcano

MANILA, Philippines – Wala nang buhay nang matagpuan ng mga awtoridad ang isang matandang babaeng nawawala malapit sa paanan ng bulkang Mayon.

Nakilala ang biktimang si Josefina Gravito, 61, ng Barangay Lidong, Sto. Domingo, Albay.

Ayon sa mga awtoridad, maaaring namatay si Gravito dahil sa labis na kagutuman.

Mula pa noong Setyembre 16 nawawala si Gravito, dagdag ng ulat.

Bago mawala si Gravito ay pinalikas ng militar ang mga residente sa lugar dahil sa alert level 3 ng bulkan.

Nakatira ang biktima sa loob ng seven-kilometer extended danger zone.

Show comments