MANILA, Philippines - Patay ang 26-anyos na katiwala makaraan itong makuryente habang naghuhukay sa kanal ng kanilang bahay sa Barangay Caloocan, bayan ng Balayan, Batangas kamakalawa. Idineklarang patay sa Madonna Hospital ang biktimang si Arlyn Pareno, tubong Bacolod City at naninirahan sa nasabing barangay. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, abala sa paghuhukay sa kanal na daluyan ng tubig ang biktima nang aksidente nitong mahawakan ang talop na linya ng kuryente kaya nagkikisay ito. Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero nabigong maisalba ang buhay.