SULTAN KUDARAT, Philippines – Dalawang bagitong pulis ang nasugatan matapos sumabog ang itinamin na landmine na patibong ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Columbio, Sultan Kudarat kamakalawa. Kinilala ang mga nasugatan na sina P01 Angel Vilo at PO1 Ritche Cabillo na mga miyembro ng 2nd platoon ng Provincial Public Safety Battalion. Sa ulat na nakarating kay Sultan Kudarat PNP director P/Senior Supt. Rex de la Rosa, bandang alas-9 ng umaga habang magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa patungong Barangay Bantugan ng sumabog ang itinanim na bomba ng NPA. Nabatid na aayuda sana sa kanilang kasamahan ang mga biktima makaraang makatanggap ng report kaugnay sa presensya ng mga armadong rebelde sa nasabing barangay nang maganap ang pagsabog.