Kawani ng DA dinukot, pinatay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Palaisipan pa rin sa pulisya ang kaso ng pagdukot at pagpatay sa 50-anyos na kawani ng lokal na sangay ng Department of Agriculture matapos itong matagpuan sa bisinidad ng circumferential road sa Suello Village, Baguio City kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ronnie Gacula Gante ng Aurora Hill sa nasabing lungsod nakabase sa bayan ng Burgos, Ilocos Norte.? Sa police report na nakarating kay P/Supt. Rodrigo Leal ng Scene of the Crime Operative, natagpuan ang bangkay ng biktima na nakadapa, nakagapos at tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.? Lumilitaw sa imbestigasyon na bumili ng lapis sa tindahan ang biktima para sa examination ng kanyang anak subalit hindi na nakauwi.?

Show comments