^

Probinsiya

15-anyos stude dinukot, pinatay ng sundalo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Brutal na pinatay ang 15-anyos na estudyante matapos itong dukutin ng isang Army sergeant sa Tandag City, Surigao del Sur noong nakalipas na Linggo (Sept. 14).

Ayon kay P/Supt. Romaldo Bayting, spokesman ng Caraga PNP, natuldukan na rin ang misteryosong pagkawala ng biktimang si Annie Jane Cortes Broca ng Barangay Telaje sa nasabing lungsod.

Naagnas at halos kita na ang buto ng labi ng biktimang si Broca nang mahukay sa pinaglibingan sa dalampasigan ng Dumaran Beach sa Purok Dona Nicolas sa Barangay Magbanua noong Linggo ng hapon (Sept. 21)

?Positibo namang kinilala ni Arlene Broca ang naagnas at halos buto ng bangkay ng anak base sa suot nitong damit at iba pang kagamitan.

Kasunod nito, lumutang naman kamakalawa ang da­lawang testigo na sina Jo­suel Rivera, dating boyfriend ng biktima at Alejean Pagaran, kaklase ni Broca kung saan itinuro ang suspek na si Sgt. Jeremy Calantina, 26, ng Army’s 36th Infantry Battalion ng Phil Army sa Tago, Surigao del Sur na sinasabing pangunahing suspek na nasa likod ng krimen.

Sa  testimonya ng mga testigo, sinasabing si Sgt. Calantina ang sumundo kay Broca ng araw na mawala ito noong Setyembre 14 matapos na magpaalam ang biktima sa kaniyang ina na magsisimba sa nasabing lungsod.

Ini-report naman ng ginang sa pulisya ang pagkawala ng anak noong Setyembre 18, ilang araw matapos na mawala ang dalagita.

ALEJEAN PAGARAN

ANNIE JANE CORTES BROCA

ARLENE BROCA

BARANGAY MAGBANUA

BARANGAY TELAJE

BROCA

DUMARAN BEACH

INFANTRY BATTALION

JEREMY CALANTINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with