^

Probinsiya

Mindanao niyanig ng lindol

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

KABACAN, North Cotabato, Philippines – Sunud-sunod na niyanig ng lindol ang ilang bahagi ng South Central Mindanao noong Sabado ng madaling araw. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), unang nilindol ang bayan ng Makilala kung saan umabot sa 4.4 magnitude ang lakas.  Niyanig din ng lindol ang bayan ng Columbio sa Sultan Kudarat kung saan umabot sa 3.6 magnitude ang lakas sa silangang bahagi ng nasabing lugar. Maging ang  Kidapawan City ay tinamaan ng 4.7 magnitude na lindol habang naram­daman naman ang intensity 4 sa bayan ng Makilala, North Cotabato. Naitala rin ang intensity 3 sa mga bayan ng M’lang at Tulunan sa North Cotabato habang Intensity 2 sa mga bayan ng Matalam at Antipas. Wala pang naitalang nawasak na ari-arian sa naganap na pagyanig.  

ANTIPAS

COLUMBIO

KIDAPAWAN CITY

MAKILALA

MATALAM

NORTH COTABATO

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

SOUTH CENTRAL MINDANAO

SULTAN KUDARAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with