Away ng 2 pamilya: 1 patay, 5 grabe

QUEZON, Philippines – Napatay ang 51-anyos na mister habang lima naman ang malubhang sugatan matapos sumiklab ang bakbakan ng magkalabang pamilya sa Barangay Pahinga Norte, bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot ng buhay sa Candelaria District Hospital si Mario Rivera, 51, habang sugatan naman sina Lino Rivera, 45; Apolinario Rivera, 37; Nolasco Rivera, Freddie Navarro, 20; at ang 12- anyos na may alyas John-Jhon. Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na sina Regidor Ricana, Christian Ricana at si Ramil Ricana. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na sumiklab ang bakbakan matapos magtungo sa bahay ng mga suspek si Rivera dahil sa paghahanap sa kanyang anak. Humingi naman ng tulong si Rivera sa kanyang mga kaanak para resbakan ang mga armadong suspek subalit naunahan sila.

Show comments